MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police ngayong Miyerkoles na wala pang natatanggap na banta para sa mga protesta sa Luneta Park, Manila, at People Power Monument sa Quezon City sa Nobyembre 30.
Ani PNP Spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, patuloy ang intelligence-gathering at mahigit 15,000 tauhan ang ide-deploy sa Metro Manila upang masiguro ang maayos na pagdaraos ng mga rally.
Nilinaw ng mga organizer, kabilang ang Trillion Peso March Movement, na ang layunin ng protesta ay panagutin ang mga sangkot sa korapsyon at hindi pabagsakin o palitan ang kasalukuyang pamahalaan. Santi Celario