Home METRO Claimant ng P20.4M shabu shipment arestado sa NAIA!

Claimant ng P20.4M shabu shipment arestado sa NAIA!

MANILA, Philippines- Arestado ng mga awtoridad ang consignee ng shabu shipment na nagkakahalaga ng P20.4 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat nitong Martes, kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) chief Brig. Gen. Dionisio Bartolome Jr. ang suspek na si Mohammad Tammy Bagatao, a.k.a. Joseph Manasseh Acogido, 51, na nadakip ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City bandang alas-5 ng hapon.

Nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang tatlong self-sealing transparent plastic pouches na naglalaman ng halos 3 kilo ng white crystalline substance na hinihinalang shabu at tatlong magkakaibang IDs.

Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) office para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articleKatrina, todo-pasalamat kay Baby Go!
Next articlePNP nagbabala vs ‘fakebooking’ scam