Home NATIONWIDE PNP nagbabala vs ‘fakebooking’ scam

PNP nagbabala vs ‘fakebooking’ scam

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) laban sa isang modus, na ayon sa ilang netizens ay pagpa-prank sa delivery riders, na dumarami ang naitatalang kaso.

Tinawag na “fakebooking scam”, sinabi ni PNP-ACG director Maj. Gen. Sidney Hernia na nakapagtatala sila ng isa hanggang anim na kaso kada linggo mula Enero 2024.

Ani Hernia, sa ikalawang linggo lamang ng Marso, nakapagtala sila ng 43 kaso.

“These fraudulent activities suddenly shifted in the second week of March, as the reported cases spiked by 10 within a single week,” wika ng opisyal.

Ayon pa kay Hernia, delivery riders ang karaniwang biktima ng “fakebooking scam”.

Paliwanag ni PNP-ACG Cyber Response Unit head Col. Jay Guillermo, umo-order ang salarin at babayaran ito sa pamamagitan ng cash on delivery.

“But upon the arrival of the unsuspecting victim at the designated delivery address, the suspect suddenly becomes unreachable and fails to settle the payment for the order,” giit ni Guillermo.

Upang hindi mabiktima, pinayuhan ni Hernia ang delivery riders na beripikahin muna ang mga order bago tanggapin ang mga ito at suriing mabuti ang mga detalye.

“They should also stick to reputable food delivery platforms with robust security measures, if possible, opt for online payments, and be alert to new scam trends or variations,” sabi ni Hernia.

Sakali namang nabiktima na, inihayag ni Hernia na mahalaga ang dokumentasyon, pagpapaalam sa delivery platform, at agad na pag-uulat sa mga awtoridad upang agad na maaksyunan. RNT/SA

Previous articleClaimant ng P20.4M shabu shipment arestado sa NAIA!
Next articleJoshua at VG Marc, nag-bonding!