Home ENTERTAINMENT Joshua at VG Marc, nag-bonding!

Joshua at VG Marc, nag-bonding!

Manila, Philippines – Joshua Aquino has found an ally in his mom’s boyfriend Batangas Vice Governor Marc Leviste.

Buhat nang umuwi sa bansa si Joshua, nasa isang undisclosed condo unit siya naninirahan.

Kasama niya ang dalawang helper at isang security staff.

Iniwan ni Joshua sa Amerika ang kanyang kapatid na si Bimby who opted to stay para raw mabantayan ang kanilang ina.

Speaking of whom, hindi pa rin daw matuluy-tuloy ang admission ni Kris Aquino sa UCLA Hospital.

Nagkaroon kasi ng Covid alert sa naturang pagamutan, kaya on standby si Kris until humupa roon ang mga kaso ng virus.

Same thing with Marc who had to come home dahil kailangan din naman niyang tugunan ang mga pangangailangan ng kanyang mga constituents.

Marc will only go back to LA pag sure nang maia-admit si Kris.

Babalik din daw si Marc doon in time for Bimby’s birthday.

Speaking of Bimby, nagkaroon ng change of plans regarding his showbiz entry.

Hindi ba’t pinauwi na nga siya ni Kris to work here and help with his mom’s mounting medical bills?

Ang dapat sana’y commercial endorsements ni Bimby ay on standby pa.

Anyway, mukhang masaya ang bonding moments dito nina Marc at Joshua.

Nitong Palm Sunday, mismong si Marc ang sumundo kay Joshua and they both had a great time together in Manila.

Nang tanungin daw si Joshua kung kailan siya babalik sa US, ang isinagot niya’y: “Hindi na.”

Grabe rin kung tutuusin ang sakripisyo ni Marc who’s shuttling between Manila and LA all for the sake of Kris: sa Amerika dahil sa kanyang nobya at sa Batangas dahil sa kanyang mga nasasakupan. Ronnie Carrasco III

Previous articlePNP nagbabala vs ‘fakebooking’ scam
Next articleDOH: Iwasang humalik sa labi ng sanggol kontra pertussis