Home ENTERTAINMENT Katrina, todo-pasalamat kay Baby Go!

Katrina, todo-pasalamat kay Baby Go!

Manila, Philippines – For the first time, Katrina Halili won her first Best Supporting Actress for her dual role in Abe Nida sa 10th Emirates Film Festival via BG Films International Abe Nida.

Ang Abe Nida ay gawa ni Direk Louie Ignacio, at ni-line produce ni Dennis Evangelista.

Personal ding nagpasalamat si Katrina sa popular film producer na si Baby Go dahil personal choice niya si Katrina na gumanap na leading lady ni Allen Dizon sa nasabing pelikula.

“Nu’ng araw na nag-message sa akin si Tito Dennis, ‘yung umaga na ‘yun, medyo malungkot ako kasi nabalitaan ko na si Tita Jane (Jaclyn Jose), pumanaw na,” kwento ni Katrina.

Nu’ng time na ‘yun ay nagluluksa rin si Kat sa pagkamatay ng kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab.

“So umiiyak ako tapos nanalo ako ng award. Hindi ko naman sasabhin na sobrang saya ko nu’n pero yes, nakabawas sa kalungkutan ko and thankful ako at na-recognize ang trabaho ko. Ang family ko masaya para sa akin,” sabi pa niya.

Sa puntong ‘yun ay nagpasalamat ulit si Katrina sa kanyang producer na si Madam Baby.

Sa ngayon ay halata pa rin ang kalungkutan sa mukha ni Kat dahil sa trahedya na nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay kaya naka-focus na lang nuna siya sa trabaho.

Also, nanalo rin ang Abe Nida as Best International Film Feature at si Allen Dizon naman ay nakuha ang kanyang 51st acting award and his 2nd best actor plum for ‘Abe Nida’.

Abe Nida will have a PH screening soon. JP Ignacio

Previous articleBI officers, mga puganteng dayuhan inakusahan ng solon ng sabwatan; Bamban mayor idinawit sa sinalakay na POGO hub
Next articleClaimant ng P20.4M shabu shipment arestado sa NAIA!