Home ENTERTAINMENT Clau at kuya, nagkabati na, di na magdedemanda!

Clau at kuya, nagkabati na, di na magdedemanda!

271
0

Manila, Philippines – Nagkabati na pala sina Claudine Barretto at ang kanyang kuya, na balak sana niyang idimanda.

Ito ang ikinwento ng aktres sa panayam niya kina Ogie Diaz at Inah Evans sa show ng dalawa na The Issue is You! na mapapanood sa YouTube.

Sabi ni Claudine, “Nag-intervene ‘yung pamangkin ko, si Mark Barretto (anak ng kuya niya), na gustong mag-apologize ng kuya ko (ipinakita ang pictures ni Claudine at ng kuya niya).

“So, nag-sorry sa akin ang kuya ko, and my brother is 20 years and 20 days older than I am.

“Ngayon nasa hospital ‘yung sister in law ko, so, the day na magdedemanda ako nakausap ko si Mark at sabi niya, ‘dad wants to talk to you, mag-usap kayo.’

“So, ‘yung kuya ko naman in all fairness swallowed ‘yung pride niya, nag-sorry siya, and nasa ospital ‘yung sister in law ko na mahal na mahal ko. So, hindi na, hindi na lang (itutuloy ang demanda).

“Kasi para sa isang kuya na magpakumbaba ng ganu’n, sobrang sama ko namang tao para hindi ko tanggapin, saka kapatid ko pa rin,” aniya pa. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here