Home ENTERTAINMENT Joel, magbe-bday sa rally sa Luneta!

Joel, magbe-bday sa rally sa Luneta!

302
0

Manila, Philippines – May kakaibang paraan ng pagdiriwang ng kanyang ika-71 kaarawan si direk Joel Lamangan.

Sa halip kasi na magpa-party siya’y magtatrabaho siya.

Pero ibang uri ng trabaho–ididirek kasi niya ang malawakang rally sa Luneta sa September 21, Linggo.

Katwiran ni Joel, hindi ngayon ang tamang panahon para magdiwang ng birthday.

Mas umiral ang pagiging makabayan ng direktor sa panahong nagdurusa ang bayan dahil sa mga magnanakaw sa gobyerno.

Ibinida ni Joel ang mapapanood na performances sa rally, kabilang din ang mga talumpati.

“Magkita-kita tayo doon,” pag-anyaya rin niya sa rally sa Quezon City sa hapon naman.

May kakaibang wish din si Joel sa kanyang kaarawan.

“Sana makulong na ang mga congressman at senador na siyang dahilan kung bakit nagdurusa ang bayan natin!”

Paano kung umulan, God forbid?

Tugon niya: “Sisilong ako sa kotse ko, bawal akong maulanan. Baka magkasakit ako!” ayon sa direktor na sumailalim na sa heart surgery two years ago.

Samantala, sa kanyang 52nd birthday, ang wish ng broadcast journalist na si Kara David ay mamatay na raw sanang lahat ang mga kurakot. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here