Home ENTERTAINMENT Clau, pumalag sa ‘retoke’ comment!

Clau, pumalag sa ‘retoke’ comment!

Manila, Philippines – Maliban sa nag-iisang netizen ay marami ang pumuri sa gumanda na muling itsura ni Claudine Barretto.

Lutang na muli ang dating ganda ng 44 anyos na aktres nang dumalo sa surprise tribute party in honor of many Star Magic talent’s tatay-tatayan na si Mr. Johnny Manahan.

May larawan pang nakayakap si Claudine kay Mr. M.

Umulan ng napakaraming positibong komento ang larawang ‘yon, praising how Claudine looks now reminiscent of her looks years ago.

Kaso, may sadyang naligaw na basher na oo nga’t gandang-ganda sa aktres ay “ibinisto” nito na resulta daw ‘yon ng napakaraming “thank you, docs.”

Ibig sabihi’y dala lang daw ‘yon ng pagpaparetoke ni Claudine sa kanyang mukha.

Mahinahong ‘di pinalampas ng aktres ang naturang basher.

Giit ni Claudine, aminado siyang sumailalim sa ilang facial treatments.

Maging procedure sa kanyang katawan ay pinagdaanan din niya.

“But I’ve never had any work done on my face. No to botox or any type of surgery, only thermage, ulthera, hi fu and exilis!”

Hindi na nakuha pang humirit ang basher sa tinuran ni Claudine.

Binanggit din ni Claudine na may kasamang hashtag ang aesthetic clinic kung saan siya sumailalim sa non-surgical procedure.

Minsan nang inamin ng aktres na partikular niyang ipina-liposuction ang kanyang braso.

Lumaylay daw kasi ang mga ito nang magpapayat siya.

Other than that lalung-lalo na raw sa kanyang mukha’y never siyang “nagpasalamat” sa doktor.

Pagdidiin niya, proud daw siya sa kanyang itsura given her age na 44 anyos. Ronnie Carrasco III

Previous articleLibo-libong indibidwal inasistihan ng PH Red Cross noong Semana Santa
Next articleDrogang ipupuslit sa Taguig jail buking sa bebot!