Manila, Philippines- Pursigido si Claudine Barretto na papanagutin ang kanyang Kuya Mito sa banta nitong sisiraan siya.
It now appears that within the Barretto family ay may kampihang nangyayari.
On one side ay si Claudine na suportado ng kanilang ina na si Mommy Inday at isa pang kapatid.
Sa kabilang kampo naman si Mito believed to be in cahoots with Marjorie.
Ang siste, si Claudine ang umano’y pinagbibintangan ng kampo ni Marjorie na siyang source sa likod ng pananapak noon ng asawang si Dennis Padilla sa huli.
Nagresulta kasi ‘yon ng pagkabasag ng eardrum ni Marjorie.
Ang totoo raw, na-slash daw kasi ni Marjorie sa likod si Dennis kaya nasapak niya ito.
Itinanggi naman ni Claudine na siya ang source ng kuwento.
In retaliation, nagbanta umano si Mito na ikakalat sa social media na drug addict ang bunsong kapatid.
Bukod dito’y may diperensya rin daw sa utak ang aktres.
Para naman sa kanyang depensa, sinabi ni Claudine na lahat na raw yata ng ‘di kaganndahang balita ay naikabit na sa kanya.
Kung sakali raw ay magdedanda siya.
Ang concern lang daw ni Claudine ay ang kaligtasan ng kanyang mga anak.
For sure, tahimik man si Gretchen ay kay Claudine ang simpatya nito.
Maitatanong lang–ano na ang nangyayari sa Barretto family? Ronnie Carrasco III