Home NATIONWIDE Clearance mula Ombudsman, kinumpirma ni Boying

Clearance mula Ombudsman, kinumpirma ni Boying

257
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakakuha siya ng clearance mula sa Office of the Ombudsman, isang requirement para sa kanyang aplikasyon bilang bagong pinuno ng ahensya.

Aniya, naisumite na sa Judicial and Bar Council ang naturang clearance.

Ito ay sa kabila ng mga reklamong inihain laban sa kanya sa Office of the Ombudsman kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong.

Nang tanungin kung naalis na ang mga hadlang laban sa kanyang aplikasyon, tumanggi si Remulla na magkomento sa mga reklamo.

“Basta nasa JBC na. I will not conclude anything, it will be self-serving to conclude anything,” sabi ni Remulla. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here