Home NATIONWIDE Food packs sa mahahagip ni Opong, nakahanda na – DSWD

Food packs sa mahahagip ni Opong, nakahanda na – DSWD

240
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bago pa man dumating ang bagyong Opong sa bansa ay naka-preposition na ang nasa 2.2 milyong food packs na ipamamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan ng kalamidad.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda hanggang sa makalabas ng bansa si Opong.

Tinuran pa ng Kalihim na hindi lamang tuwing may paparating na bagyo sila nagsasagawa ng repacking kaya’t may sapat na stockpile na maaaring mahugot sa panahon ng masamang panahon.

Giit pa niya, mabilis ang kanilang naging responde kay bagyong Nando at ngayong naririto si Opong ay preparado sila upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Samantala, maliban sa food packs ay nakahanda na rin aniya ang mga non-food relief items na naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here