Home NATIONWIDE Cloudflare outage nagpahiwatig ng pangangailangan ng cybersecurity sa Pinas

Cloudflare outage nagpahiwatig ng pangangailangan ng cybersecurity sa Pinas

285
0

MANILA, Philippines – Tinukoy nina Camarines Sur Reps. Migz at Luigi Villafuerte ang kamakailang outage ng Cloudflare bilang babala sa kahalagahan ng pambansang cybersecurity. Apektado ang malalaking website tulad ng X (dating Twitter), Google, at OpenAI.

Ayon sa Cloudflare, naganap ang problema dahil sa “spike sa hindi pangkaraniwang traffic” na sanhi ng bug sa kanilang bot mitigation system. Katulad na outage ang naranasan dati ng Amazon at Microsoft cloud services.

Sa isang pagdinig ng House ICT Committee, sinabi nina Villafuerte na kailangan ng Pilipinas ng mas matibay na proteksyon laban sa cyberattacks, lalo na sa sektor ng banking, emergency services, enerhiya, telekomunikasyon, at transportasyon.

Kasama sa plano ang pagsasama ng higit sa isang dosenang cybersecurity measures sa isang komprehensibong panukalang batas, kabilang ang kanilang HB No.2826 na naglalayong lumikha ng National Cybersecurity Agency (NCSA). Sa ilalim nito, magkakaroon ng National Computer Emergency Response Team (NCERT) para mabilis na tumugon sa mga insidente ng cyberattack at suportahan ang mga ahensya ng gobyerno.

Ani Migz Villafuerte, layunin ng panukala na mapalakas ang digital defenses, maprotektahan ang data privacy, at tiyakin ang kaligtasan sa online na kapaligiran ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here