MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Securities and Exchange Commission (SEC) na kagyat na tugunan ang ‘bureaucratic bottlenecks’ para matiyak ang matagumpay na implementasyon ng Republic Act (RA) 12214 o Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA).
Nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo na ang ‘special bell-ringing’, tanda ng pagiging epektibo ng CMEPA ay magbibigay-daan para sa isang “new era of economic dynamism, investor confidence, and sustainable growth.”
“Let every ring—from this morning and every trading day thereafter—echo our strength, our optimism, [and] our shared hope for a more prosperous future for all Filipinos,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang special bell-ringing ceremony sa Philippine Stock Exchange Tower sa Taguig City.
“To ensure the successful implementation of this reform, I direct the Securities and Exchange Commission to streamline its procedures, remove bureaucratic bottlenecks, [and] reduce transaction costs within its control. Undertake the necessary changes to fulfill your responsibilities in these changing times.” aniya pa rin.
Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na siguruhin na mararamdaman ng bawat filipino ang buong benepisyo ng CMEPA nang walang pagkaantala.
Nanawagan naman ang Pangulo sa lahat ng market participants at stakeholders na pagtibayin ang ‘transparency, fairness, at good governance’, pinaalalahanan ang mga ito na ang ‘market integrity ay isang ‘shared responsibility.’
“By working together in good faith, we can build an industry that earns the market’s trust both here and abroad,” ang winika ng Pangulo.
Ang panawagan ay isinagawa ng Pangulo, sabay sabing mula ngayon hanggang 2030, ang CMEPA ay inaasahang makalilikha ng mahigit sa P25 billion na net revenue, “a substantial sum that can help fund the building of roads, bridges, hospitals, schools, other social safety net programs as well.”
Sinabi pa niya na “the law would also reinforce confidence, as it indicates that the country’s financial system is becoming more equitable and structured for long-term stability.”
Ayon sa Pangulo, ang CMEPA ay mapakikinabangan hindi lamang ng mga mayayaman, propesyonal at stock traders kundi ng bawat Filipino na nangangarap ng ‘better financial security.’
“It empowers the small business owner, the young professional, and the overseas Filipino worker to start investing their hard-earned money to build a better future,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Indeed, this Act allows Filipinos to be true participants in our nation’s economic growth. This law enhances our competitiveness in the ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) region and strengthens the foundations of a capital market that can thrive on the global stage.” aniya pa rin.
Ang CMEPA ay isa sa mga repormang isinusulong ng administrasyon para gawing mas simple, mas patas, at globally competitive ang taxation sa investments, at para mahikayat ang mas maraming Pilipino at banyagang mamumuhunan. Kris Jose