Home NATIONWIDE Coastal intelligence network pinalakas ng PCG vs narco trade

Coastal intelligence network pinalakas ng PCG vs narco trade

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Coast Guard-Bicol (PCG-5) nitong Sabado, Hunyo 21 na pinalalakas nito ang coastal intelligence network sa rehiyon upang masigurong ligtas ang mga baybayin laban sa pagpasok ng ilegal na droga.

Ayon kay PCG-5 Commander Commodore Ivan Roldan, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pinaiting na pambansang estratehiya kontra droga.

“We are doubling our efforts to enhance our coastal intelligence operations, through coordination with barangay officials, fisherfolk associations, and enhanced community relations,” ani Roldan sa isang panayam.

Kabilang sa mga hakbang ng PCG ang pagpapatuloy ng mga checkpoint sa mga pangunahing pantalan gamit ang K-9 units at Explosive Ordnance Disposal teams.

Partikular na binabantayan ang mga roll-on/roll-off ports gaya ng sa Matnog at Pilar sa Sorsogon, Pioduran sa Albay, at ilang bahagi ng Masbate.

“Our focus is on ports frequently used by roll-on/roll-off vessels… Inspection and monitoring of passengers and cargoes are conducted by our ground personnel,” dagdag niya.

Paliwanag pa ni Roldan, binibigyan nila ng hotline numbers ang mga mangingisda sa pamamagitan ng kanilang mga substations sa anim na lalawigan sa rehiyon.

Layunin nitong mas mapabilis ang pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa karagatan.

“We are coordinating with local villages to ensure that fisherfolk understand what to do if they see or catch something suspicious,” ani Roldan.

“We have resources available to assist fishermen with information.”

Bukod dito, nakikipag-ugnayan din ang PCG-5 sa iba pang ahensyang kontra-droga upang mas mapatatag pa ang kanilang operasyon laban sa iligal na droga sa mga pantalan at baybayin ng rehiyon. RNT/JGC