MANILA, Philippines- Magsisimula ngayong Lunes ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Sinabi ni Commission on na natalaga ng karagdagang sundalo at mga pulis sa Bangsamoro region sa filing period na matatapos sa Nobyembre 9.
“Sa pakikipagpulong ng mga local Comelec po namin diyan po sa Bangsamoro, nagdagdag na po ng puwersa ang AFP at PNP. Karagdagang puwersa para lang masigurado na magiging mapayapa ang filing ng certificate of candidacy,” pahayag ni Garcia sa isang panayam nitong Linggo.
Bukod sa COCs, bubuksan din ng Comelec ang paghahain ng List of Nominees at Certificates of Acceptance of Nomination para sa regional parliamentary political parties.
“We appeal to the candidates for them to police their respective supporters and maintain a COC filing that is orderly, clean, and peaceful,” anang opisyal.
May kabuuang 73 BARMM parliamentary seats ang paglalabanan sa unang BPE sa Mayo 12, 2025, kasabay ng national at local elections para sa mga natitirang rehiyon. RNT/SA