Home NATIONWIDE Tropical Storm Marce nasa PAR na

Tropical Storm Marce nasa PAR na

MANILA, Philippines- Lumakas na ang tropical depression sa silangan ng Visayas sa storm sa pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility nitong Lunes ng umaga at tinawag itong Marce (international name: Yinxing), base sa PAGASA.

Nitong Lunes ng alas-4 ng umaga, si Marce ay namataan 935 km sa silangan ng Eastern Visayas. Mayroon itong maximum sustained winds na 65 km/h nmalapit sa sentro, gustiness hanggang 80 km/h, at central pressure na 1002 hPa.

Kumikilos itosa west northwestward direction sa bilis na 25 km/h.

Ayon sa PAGASA, wala itong itinataas na Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) subalit posibleng pairalin ang TCWS No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan sa Martes.

“This, and the trough of the tropical cyclone, will bring rains over Extreme Northern Luzon and the eastern section of Luzon beginning tomorrow or on Tuesday,” anang ahensya.

 “Mariners of small seacrafts, including all types of motorbancas, are advised not to venture out to sea under these conditions, especially if inexperienced or operating ill-equipped vessels’” anito pa.

“MARCE is forecast to move west northwestward to northwestward until Wednesday (6 November) morning before it begins to decelerate significantly while turning westward,” sabi ng weather bureau.

Inaasahang aabot si Marce sa severe tropical storm category sa Martes ng umaga o hapon, at sa typhoon category sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga. RNT/SA