Home NATIONWIDE Higit 300K pasahero dumagsa sa mga pantalan sa Undas

Higit 300K pasahero dumagsa sa mga pantalan sa Undas

MANILA, Philippines – Nasa 144,689 outbound passengers at 129,006 inbound passengers ang namonitor sa lahat ng pantalan sa buong bansa sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024.

Bukod dito, ang 4,100 deployed frontline personnel sa 15 PCG Districts ay nag-inspeksyon ng 2,022 sasakyang-pandagat at 2,229 motorbancas.

Nananatiling nasa heightened alert ang lahat ng PCG Districts, stations at sub-stations nito mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5 upang mapamahalaan ang pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalan.

Maaari namang makipag-ugnayan sa PCG ang mga manlalakbay sa pamamagitan ng opisyal nitong Facebook page o Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729) para sa anumang katanungan, alalahanin at paglilinaw kaugnay sa sea travel protocols at regulasyon sa panahon ng Undas 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden