Home NATIONWIDE Pope Francis nag-alay ng panalangin sa mga sanggol

Pope Francis nag-alay ng panalangin sa mga sanggol

MANILA, Philippines – Nagbigay-galang si Pope Francis sa “Garden of Angels” sa isang lugar sa ikatlong pinakamalaking sementeryo ng Roma kung saan makikita ang mga libingan ng mga batang ipinanganak na patay at nalaglag.

Ipinagdiwang ni Pope Francis ang All Souls Day Mass sa Laurentini cemetery sa katimugan ng Roma.

Bago ang misa, tumigil ang Papa para sa taimtim na panalangin sa mga libingan ng mga bata na hindi naipanganak.

Nag-alay din ng puting rosas ang Papa sa harap ng libingan ng mga bata.

Nobyembre 2018 nang unang tumigil ang Papa sa lugar upang magdiwang ng Misa sa sementeryo ng Laurentino sa unang pagkakataon.

Sa pagdiriwang noong Sabado, pinili ni Francis na laktawan ang homiliya at nanatili sa pagmumuni-muni.

Ang “Garden of Angels” ay libingan din ng mga fetus na namatay dahil sa medical procedures kabilang ang pagpapalagpag.

Kamakailan ay muling pinatunayan ni Francis ang kanyangga tradisyonal na pananaw sa aborsyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden