Manila, Philippines — FPJ’s Batang Quiapo out soon, Sigabo in!
Sa March 13 pa ang final episode ng BQ pero agad ding sisimulan ni Coco Martin ang isa na namang aabangang primetime series.
Ito ang Sigabo, kung saan magre-reunite sa TV ang tambalan nila ng kanyang real-life partner na si Julia Montes.
Matatandaang kinilig ang mga manonood sa mga teleserye nilang Walang Hanggan at Ikaw Lamang.
Pero sa Sigabo, pangako ni Coco na kakaiba ito sa kanyang mga nagdaang serye.
Light lang kasi ang kuwento nito na hinaluan ng comedy, action, drama at romance — tiyak na this is a must-see CocoJuls TV treat.
Supposedly, binalak sana ng actor-director na magpahinga muna matapos ang Batang Quiapo.
Kaso, hindi raw maatim ni Coco na pabayaan ang kanyang mga katrabaho.
Tila naging mantra na kasi ni Coco ang magbigay ng trabaho sa mga ito: “Ayoko silang malungkot, ayoko silang biguin.”
With Julia in the lead cast, hindi naman daw nahirapan si Coco na kumbinsihin ito para tanggapin ang proyekto.
“Siyempre,” makahulugang sabi ng aktor na nangingisi.
Bilang paghahanda raw sa kanyang role, kasalukuyang nagte-training si Julia sa paghawak ng baril, pagmomotor at fight scenes kasama ang iba pang cast members.
March 16 ang target airing ng pilot episode ng Sigabo.
Tinatayang “masigabo” din ang palakpakan ng Pinoy audience sa seryeng ilang taon ding tiyak na mamamayagpag sa ere, in the tradition of Ang Probinsyano at Batang Quiapo.