Home ENTERTAINMENT Sharon, pinakilala ang sariling management company!

Sharon, pinakilala ang sariling management company!

130
0

Manila, Philippines — Nakatakdang mag-branch out si Sharon Cuneta bukod sa pagiging singer-actress — this time, maglulunsad siya ng sarili niyang management company.

Saad ng Megastar sa kanyang social media post: “Dear friends, co-workers, clients, producers, everyone, I am so pleased to announce that I will finally be putting up a new company that will manage my career, schedules, and projects.”

Kasamang makakatrabaho ni Sharon ang matagal na niyang music producer na si Eloisa Matias.

Si Eloisa ang in charge sa kanyang mga musical show at content production.

Bukod kay Eloisa, ang long-time executive assistant ni Sharon na si Maricar Ong ang in charge sa kanyang mga TV at film project.

The Megastar has yet to give her new venture a business name.

Sa ngayon, bukas na ito para tumanggap ng inquiries para sa bookings.

Ang anunsyo ni Sharon tungkol sa itatayong negosyo ay makaraan ang isang buwan matapos niyang markahan ang kanyang ika-60 kaarawan.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here