Home ENTERTAINMENT Ken Chan, kinukuha serbisyo ni Atty. Maggie Garduque?

Ken Chan, kinukuha serbisyo ni Atty. Maggie Garduque?

153
0

Manila, Philippines — Noon ko pa narinig ang chika na kinontak daw ng kampo ni Ken Chan ang sikat na celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Si Atty. Maggie diumano ang gusto ni Ken na humawak ng kanyang kasong syndicated estafa na naging dahilan ng pag-exit niya sa showbiz at pag-alis ng bansa.

Kung noon daw ay gustong ipahuli si Ken ng mga kasosyo niya sa negosyong restaurant na Cafe Claus, ngayon ay tila tahimik na ang mga ito.

Lalo na ang gwapong nag-invest sa kanya na parang wala na ring galit kay Ken.

Well, bagamat delikado talaga ang sitwasyon ni Ken, lalo’t non-bailable ang kaso niya, siguradong sa pagbaba niya ng eroplano ay maaari talaga siyang dakpin at posasan ng mga pulis.

Kaya nakadepende na sa legal counsel niya kung ano ang tamang gawin at hakbang para maiwasang mangyari ang ganitong kahihiyan para sa Kapuso actor.

At for sure, hindi naman siguro babalik ng bansa si Ken kung ang ending ay makukulong lang siya.

Abang-abang na lang tayo kung matutuloy ba o hindi ang balitang pag-uwi ni Ken sa Pinas.

Peter Ledesma

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here