Manila, Philippines- Kinabog ng power couple na sina Coco Martin at Julia Montes ang iba pang Kapamilya celebrities nu’ng dumating sila sa Solaire Resort North para sa ABSCBN Ball.
Dumating sina Coco at Julia sa venue ng Kapamilya ball gamit ang mamahaling Tesla Cybertruck.
Syempre, kuda agad ng marami ay pag-aari ng bida, direktor at producer ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco, ang sikat na kotse na binebenta ng bilyonaryong si Elon Musk.
Hawig ng Tesla Cybertruck ang nag-viral din sa socmed na sinakyan ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda when he had a show sa US.
Sa US lang nabibili at hindi pa available sa Pilipinas ang Tesla Cybertruck.
Kaya kung bibilhin mula sa Amerika papunta ng Pilipinas, maaari raw umabot sa P18M ang halaga ng Tesla Cybertruck.
Knowing Coco, if true na sa kanya ang Tesla Cybertruck, isa lamang ito sa mga super high-end cars ng aktor.