Home ENTERTAINMENT Coco, nagtayo ng bagong bisnis!

Coco, nagtayo ng bagong bisnis!

Manila, Philippines – In weeks or months to come, Coco Martin will have so much on his plate.

Ngayon pa nga lang ay halos hindi na magkandaugaga ang aktor sa dami ng kanyang mga ginagawa.

Aside from acting in the primetime series he stars in, na kay Coco rin ang say-so sa creative aspect nito.

Siya ang nagbabalangkas ng itinatakbo ng kuwento.

Siya rin ang tumitimon sa pagdidirek nito.

Lumalabas pa ngang siya rin ang “talent coordinator” nito because he has the freehand to choose kung sino ang ika-cast dito.

On the side, bumabakas din si Coco sa pagpoprodyus.

Imagine, at 44 (nagdiwang siya ng kanyang kaarawan nitong November 1) ay ang dami-dami na niyang accomplishments tucked under his belt.

Pero tila wala siyang kapaguran o wala sa kanyang bokubularyo ang salitang pagod o pahinga.

In fact, target din ni Coco na magkaroon ng business venture.

Naglabas na siya ng kanyang sariling dishwashing liquid product.

Si Coco na rin ang commercial model nito at direktor ng TVC! Ronnie Carrasco III