MANILA, Philippines – Susubukan ng Pilipinas na itulak ang umiiral na code of conduct sa the South China Sea sa panahon ng pagho-host nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa 2026.
“We will certainly try because it is very, very important,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pinakabagong podcast episode.
Tinanong kasi ang Pangulo kung ang Maynila ay gagawa ng “bigger and more concrete steps” para isapinal ang mga panuntunan kung paano ang mga South China Sea claimants ay dapat na kumilos ng maayos at tama kontra sa mga estratehikong paraan na pinagmulmulan ng tensyon sa loob ng ilang dekada.
“It’s very important to the Philippines because ang pinakamainit na lugar sa West Philippine Sea ay dito sa banda sa atin. Kaya mahalaga sa atin na magkaroon tayo ng code of conduct,” ang winika ng Pangulo.
“Pagka nagkaroon ng ganyan, magiging maliwanag kung ano ‘yung rules sa lahat, hindi lamang sa atin. Lahat ng nakapaligid sa South China Sea lahat ‘yan… That will make things a bit easier kasi hindi ka nag-aalangan na baka may mangyari, ano ang mangyayari,” aniya pa rin.
Ang talakayan ukol sa COC sa pagitan ng Tsina at ASEAN members ay nagpapatuloy sa nakalipas na dekada subalit nabigo naman ang mga partido na hadlangan ang ilang deadlocks kabilang na ang itinutulak ng Beijing na ban sa joint military training isa katubigan na legal na inaangkin nito.
Noong 2024, ang Pilipinas at Vietnam ay kumilos upang magkaroon ng kani-kanilang code of conduct sa katubigan kung saan mayroon silang ‘overlapping claim’ ngunit iyon din ay hindi pa naisasapinal.
Matatandaang, binanggit ng Pangulo sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) nito lamang nakaraang buwan na ang Pilipinas ay “friend to all” at suportado ang partnerships sa iba’t ibang bansa.
“There is no shift in tone… Hindi naman nagbabago because continuing to defend strongly our territory is not mutually exclusive from being a friend to all and an enemy of none,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Wala naman talaga tayong kinakalaban eh. Lahat naman kinakaibigan natin pero ipagtatanggol natin ang soberanya ng Pilipinas. Ipagtatanggol natin ang teritoryo ng Pilipinas. You can do both. You don’t have to choose one or the other,” aniya pa rin.
Samantala, pinananatili naman ng Maynila ang ‘open line’ sa Beijing sa kabila ng Chinese incursions sa West Philippine Sea.
“Once the lines of communication are closed, then there is no room for improvement. That’s why we keep the lines of communication open even kung minsan sinasabi it’s useless,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“We have to keep on trying. We have to keep those lines of communication open. Hindi mo puwedeng isara na lang na ganoon. Pagka ginawa mo ‘yun, mas lalala ang sitwasyon,” anito sabay sabing “We can only control what we do. We cannot control what other countries do.” /Kris Jose