MANILA, Philippines – Ayon sa National Police Commission (Napolcom) na sususpindihin ang operational supervision at control sa police force ng San Simon, ang incumbent mayor ng Pampanga, na inaresto dahil sa umano’y extortion.
Noong unang bahagi ng linggo, nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) si San Simon Mayor Abundio Punsalan Jr. at ang umano’y kasabwat nitong si Ed Ryan Dimla sa isang entrapment operation sa Angeles City.
Nahaharap sila sa reklamo ng extortion at graft matapos umanong humingi ng P80 milyon — P30 milyon sa una at ang natitirang P50 milyon ay babayaran nang hulugan — mula sa kumpanya ng bakal na Realsteel Corp. kapalit ng paborableng lokal na resolusyon.
Nakakulong ngayon ang dalawa sa NBI headquarters sa Maynila.
Sinabi ni Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Calinisan sa isang pahayag nitong Biyernes na iniutos nila ang suspensiyon ng police power and control ng Punsalan sa San Simon.
“We will make the proper announcement once it is stripped, but we have initiated the process,” aniya.
Inutusan din ni Calinisan ang inspection, monitoring, and investigation service (IMIS) na simulan ang motu proprio investigation tungo sa “full revocation of the authority” ng mga local chiefs na pangasiwaan at kontrolin ang puwersa ng pulisya sa kanilang mga lugar.
Sa ilalim ng Republic Act 6975 o Department of the Interior and Local Government (DILG) Act, nakasaad na ang mga gobernador at alkalde ay deputized bilang mga kinatawan ng Komisyon sa kani-kanilang territorial jurisdictions.
Maaaring tanggalin ng Napolcom ang awtoridad mula sa mga abusadong lokal na pinuno. RNT/MND