Home NATIONWIDE Code White Alert itinaas ng DOH sa Halalan 2025

Code White Alert itinaas ng DOH sa Halalan 2025

208
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert simula Mayo 11, 2025, bilang paghahanda para sa mga pambansa at lokal na halalan na nakatakda sa Mayo 12, 2025. Mananatili ang alert status hanggang Mayo 14, 2025.

Layunin ng hakbang na matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad pangkalusugan at mga tauhan upang tugunan ang anumang posibleng emerhensiyang pangkalusugan bago, habang, at pagkatapos ng araw ng halalan.

Sa ilalim ng Code White, ang mga ospital at pasilidad ng DOH ay maglalagay ng mga medical team, maghahanda ng mga suplay, at makikipag-ugnayan nang mabuti sa iba pang mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

Pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag, uminom ng maraming tubig, at humingi ng agarang tulong medikal kapag kinakailangan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here