Home METRO College stude tigok sa sumabog na LPG tank

College stude tigok sa sumabog na LPG tank

Pumanaw si Jairo Bernardino, isang college student, matapos masabugan ng LPG tank sa kanilang tindahan sa Taytay, Rizal.

Nasugatan din ang kanyang tiyahin na si Marivic (32% burns) at pinsan na si Ivan (22% burns). Si Jairo ang pinakamatinding nasaktan, na may 40% na paso sa katawan, at namatay bago pa dumating ang kanyang inang OFW.

 Hirap na ang pamilya sa gastos—ang isang cream na kailangan linggo-linggo ay nagkakahalaga ng P2,434.

Humihingi sila ngayon ng tulong. RNT