Home NATIONWIDE Ibinebentang beep cards na may ‘unli rides’ ibinabala ng MRT-3

Ibinebentang beep cards na may ‘unli rides’ ibinabala ng MRT-3

MANILA, Philippines – Nagbabala ang MRT-3 laban sa online na bentahan ng pekeng beep cards na umano’y may unlimited rides.

Ang mga ito ay ibinebenta sa Facebook page na “Manila Metro,” na peke at hindi awtorisado.

Pinayuhan ang publiko na huwag magbigay ng personal na impormasyon o magpadala ng bayad sa mga hindi kilalang source.

Paalala rin ng pamunuan na ang mga opisyal na update ay makikita lamang sa MRT-3 official Facebook page.

Tanging ang AF Payments Inc. ang lehitimong issuer ng beep cards. RNT