Home HOME BANNER STORY Mindanao niyanig ng 4 lindol sa Linggo ng Pagkabuhay

Mindanao niyanig ng 4 lindol sa Linggo ng Pagkabuhay

MANILA, Philippines – Apat na lindol ang yumanig sa Mindanao nitong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20, 2025, ayon sa PHIVOLCS. Tatlo ang naitala sa Sultan Kudarat, habang isa naman sa Davao Occidental.

Pinakamalakas ang magnitude 5.9 na lindol sa Palimbang, Sultan Kudarat, na tumama alas-12:11 ng madaling-araw. Umabot ito sa Intensity V sa ilang bahagi ng Sarangani at Sultan Kudarat.

Kasunod ang magnitude 5.1 na lindol alas-12:50 a.m. sa parehong lugar, naramdaman hanggang Intensity III.

Alas-1:37 a.m., magnitude 5.4 na lindol ang muling tumama sa Palimbang, na umabot din sa Intensity V.

Samantala, isang magnitude 5.2 na lindol ang tumama sa karagatan ng Davao Occidental alas-7:06 ng umaga, ngunit walang inaasahang pinsala o aftershock.

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng pinsala mula sa mga lindol sa Palimbang. Santi Celario