Home NATIONWIDE Comback ng AKAP sa 2026, haharangin ng mga senador

Comback ng AKAP sa 2026, haharangin ng mga senador

265
0

MANILA, Philippines – Nangako ang ilang mga senador na haharangin ang anumang tangkang ibalik ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa 2026 budget, kasabay ng pagkabahala sa ₱140.9-bilyong tapyas sa pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, doble-doblado ang AKAP sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at dati nang tinukoy bilang redundant. “Kapag nagreincarnate ‘to sa bicam, we will not allow AKAP to reincarnate. That’s for sure,” aniya, sabay giit na dapat ilaan ang pondo sa AICS.

Sumang-ayon si Sen. Erwin Tulfo na aniya’y “nagdoduplicate lang” ang AKAP, at hiniling sa DSWD na ipaliwanag ang epekto ng tapyas.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, protective services ang pinakanapinsala: tinanggal ang ₱26 bilyon para sa AKAP, nabawasan ng ₱14–15 bilyon ang AICS, at may kaltas din sa Sustainable Livelihood Program. Tinanggal din ang pondo para sa social case management ng mga ex-combatants at iba pang proyekto.

Nagbabala si Tulfo na maaaring humina ang kakayahan ng DSWD na tumulong sa mga mahihirap na pamilya, kaya iminungkahi niyang bawasan ang flood control budget ng DPWH at ilipat sa AICS at livelihood programs.

“Maybe we can get some of it… and put it here sa DSWD,” aniya.

Dagdag ni Sen. Pia Cayetano: “The true test of progress is how you take care of the most vulnerable. So it’s hard to talk about becoming an upper middle class country… when we know that there are still millions in poverty.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here