Home NATIONWIDE Combat ops sa Iran magpapatuloy hanggang maabot ang target – Trump

Combat ops sa Iran magpapatuloy hanggang maabot ang target – Trump

169
0

UNITED STATES — Nagbabala si US President Donald Trump na magpapatuloy ang combat operations ng Amerika sa Iran hanggang makamit ang lahat ng layunin ng Washington.

Sa video na inilabas sa Truth Social, kinumpirma ni Trump na tatlong US service members ang nasawi sa operasyon at inaming posibleng madagdagan pa ang casualties.

“Combat operations continue at this time in full force, and they will continue until all of our objectives are achieved. We have very strong objectives,” ani Trump.

Nangako rin ang pangulo na gaganti ang Estados Unidos sa pagkamatay ng mga sundalong Amerikano.

Hindi naman tinukoy ni Trump ang eksaktong target o haba ng operasyong militar na isinasagawa sa Iran. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here