Home NATIONWIDE Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, asahan bukas!

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, asahan bukas!

183
0

MANILA, Philippines – MAGPAPATUPAD ng malakihang dagdag presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas, bunsod ng nagpapatuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo na inilabas ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.90 sa kada litro ng gasolina habang P1.20 naman sa kada litro ng diesel at P1.50 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Samantala, kahalintulad din ng mga nabanggit na presyo ang ipatutupad na dagdag ng halaga ng produktong gasolina at diesel ng mga kompanyang PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, at Petro Gazz simula alas-6 din ng Martes ng umaga habang alas-4:01 naman ng hapon ang Clean Fuel.

Ito na ang ika-walong sunod na taas presyo ng diesel sa pandaigdigang pamilihan habang ika-limang sunod na ng produktong gasolina.

Asahan pa ang pagpapaatupad ng sunod-sunod na linggong taas presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo bunsod sa mga nagaganap na pinagsanib na pag-atake ng US at Israel laban sa Iran kaya’t posible itong magdulot ng malaking pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag presyo na P0.60 sa kada litro ng gasolina habang P1.20 naman sa kada litro ng diesel at kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here