Home NATIONWIDE Comelec: 30 kandidato nahaharap sa DQ sa illegal campaign materials

Comelec: 30 kandidato nahaharap sa DQ sa illegal campaign materials

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections nitong Martes na maghahain ang Task Force Baklas ng disqualification petitions laban sa hindi bababa sa 30 kandidato, kabilang ang isang Senate bet, dahil sa umano’y ilegal na pagpaskil ng kanilang campaign posters.

“Ngayong araw din na ‘to official na magpa-file kung hindi ako nagkakamali, mga 30 to 35 katao ang kakasuhan ng Task Force Baklas officially ng kaso dahil sa hindi pagtatanggal ng mga campaign materials na ni-require ng task force na tanggalin and despite several notices at pakiusap hindi pa rin po nila tinanggal,” pahayag ni Comelec chairman George Garcia sa panayam sa National Printing Office sa Quezon City nitong Martes. 

“Merong isang senatorial [candidate] kundi ako nagkakamali,” dagdag niya.

Hindi pinangalanan ni Garcia ang mga kandidato habang hindi pa naihahain ang reklamo sa Clerk ng Komisyon. RNT/SA