Home METRO Comelec ‘all set’ sa Antipolo special elections

Comelec ‘all set’ sa Antipolo special elections

154
0

MANILA, Philippines – All set ang isasagawang special elections para sa ikalawang distrito ng Antipolo City sa Marso 14, ayon sa Commission on Elections o Comelec.

Ayon sa  Comelec mayroong  252,793 registered voters, ang distrito kabilang ang   234 persons deprived of liberty (PDL) voters, mula sa walong  barangays.

Mayroon namang anim na kandidato na maglalaban-labam kabilang rito sina  Bong Acop, Dandin Infante, Reden Llaga, Maria Trinidad Cafirma, Nathaniel Lobigas, at Irvin Paulo Tapales.

Gaganapin ang mga special election  sa 348 na clustered precincts na matatagpuan sa 36 na voting center sa buong Antipolo City at sa Antipolo City Jail para sa mga botanteng PDL.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, manual na sistema ng pagboto ang gagamitin para sa espesyal na halalan, kung saan isusulat ng mga botante ang mga pangalan ng kanilang mga napiling kandidato sa mga opisyal na balota.

Magsisimula ang botohan  5:00 ng umaga hanggang 7:00 ng umaga, eksklusibo para sa mga matatanda, buntis na botante, at mga taong may kapansanan, habang ang regular na oras ng pagboto ay mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Sinabi ng Comelec na ang District Board of Canvassers ay magpupulong ng alas-6 ng gabi sa Ynares Event Center upang tanggapin at suriin ang mga resulta ng eleksyon at iproklama ang nanalong kandidato.

Sinabi ni Garcia na inaasahan nila ang proklamasyon ng nanalong kandidato sa Marso 15, dahil inaasahan nilang tutulan ng mga kandidato at ng kanilang mga abogado ang mga resulta ng eleksyon.

Isasagawa ng special election para punan ang nabakanteng puwesto ni dating  Rep. Romeo Acop, na namatay noong Disyembre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here