MANILA, Philippines – ‘All systems go’ na ang Commission on Election (Comelec) para sa 2025 National and Local Elections (NLE), pitong araw bago ang halalan.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang delivery ng automated counting machines (ACMs) ay halos 100 percent habang ang delivery ng huling batch ng opisyal na balota para sa National Capital Region (NCR) ay sisimulan ngayong araw, Mayo 6.
Inihayag din ni Garcia na nakakuha ang Comelec ng sertipikasyon mula sa Technical Evaluation Committee (TEC) at sa international certifying entity na Pro V&V Inc.
Ngayong araw, Mayo 6 ng umaga ay idedeploy ang pinal na mga balota sa NCR.
Ayon kay Garcia, nitong mga nakaraang araw hanggang kahapon ay idineploy ang mga balota sa Luzon. Noong Sabado, sa Region III at Region II.
Sinabi ni Garcia na “on time” ang kanilang ginagawa at ang ACM ay halos 98% na ang delivery.
Ang final testing at sealing ay hanggang Mayo 7 na lamang kaya umaasa si Garcia na maging 100% na ang delivery ng mga makina bago ang nasabing petsa. Jocelyn Tabangcura-Domenden