Home NATIONWIDE Press freedom itinataguyod ni PBBM, malayo sa pagiging diktador – Malakanyang

Press freedom itinataguyod ni PBBM, malayo sa pagiging diktador – Malakanyang

MANILA, Philippines – MALAYO sa pagiging diktador si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil patuloy na itinatagutyod ng pamahalaan ang press freedom sa bansa.

“The President is not gearing toward dictatorship. Malaya po ang pamamahayag na nakikita po natin sa kasalukuyan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Sa ulat, tumaas ang Pilipinas sa 116th spot, itinuturing na pinakamataas na ranking ng bansa sa loob ng 21 taon, mula sa 134th noong nakaraang taon mula sa 180 bansa sa 2025 World Press Freedom Index, ayon sa Reporters Without Borders (RSF).

“Yes, definitely, that’s (2025 RSF World Press Freedom Index) good news. The President is delighted with the latest ranking of the Philippines in relation to its upholding of press freedom,” ang sinabi ni Castro.

Binigyang diin naman ni Castro ang mataas na pagpapahalaga ni Pangulong Marcos sa larangan na may polisiya laban sa pagsiil sa Philippine media.

“It shows that the President respects one’s right to expression and responsible journalism. So ito po ay magandang naipapakita ng Pangulo,” aniya pa rin.

Kaya nga patuloy aniya na paiigtingin ng administrasyon ang pagsisikap nito na pagtibayin ang press freedom at protektahan ang mga mamamahayag sa bansa.

“Paiigtingin pa po ng ating Pangulo, ng ating administrasyon ang kalayaan sa pamamahayag, asahan niyo po iyan,” ang winika ni Castro.

“Overall, the country’s score rose by 6.2 points to 49.57 from 43.26 in 2024, with substantial improvements cited in the safety and legal frameworks for the country’s press,” ayon sa ulat.

Nauna rito, tiniyak naman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang patuloy na pakikipagtulungan sa Department of Justice, Philippine National Police, at media groups para mapalakas at mapaigting ang kondisyon ng press freedom sa bansa. Kris Jose