MANILA, Philippines- Pinayapagang makilahok ang lahat ng halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa mga aktibidad sa politika at kampanya sa May 12 midterm polls.
Sa Minute Resolution 24-1001 na inilabas noong Biyernes, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga halal na opisyal na ito ay exempted sa pagbabawal para sa mga pampublikong opisyal na makisali sa anumang partisan poltical activities.
Ang resolusyon ay base sa Supreme Court (SC) ruling na nagsasaad na ang pagbabawal ay limitado sa mga opisyal at empleyado ng serbisyo sibil, at hindi kasama ang mga halal na opisyal.
Sa kabilang banda, sinabi ng Comelec na ang government personnel na non-civilian servants kabilang ang job order (JO) at contract of service (COS) workers ay pinapayagang makilahok sa mga aktibidad sa kampanya ngayong eleksyon.
Binanggit ng Comelec na ang exemption ay dapat na walang pagkiling sa anumang ipinagbabawal na gawain na maaari nilang gawin.
Ang local campaign period ay magsisimula sa Marso 28 hanggang May 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden