MANILA, Philippines- Pinalawak ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga gamot para sa non-communicable disease (NCDs) na exempted sa value-added tax (VAT).
Sa public advisory ng FDA noong Biyernes, tinukoy ng FDA ang mga gamot para sa diabetes, hypertension, high cholesterol at mental health para ipaalam sa mga ahensyang nagpapatupad ng tax exemption, tulad ng Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs at Department of Trade and Industry.
Kasama sa mga gamot na walang VAT ang mga sumusunod;
Ang VAT exemption ng nabanggit na mga gamot ay napapailalim sa Republic Act 11534 Section 12 o “Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act”, na sumasaklaw sa ilang partikular na gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, mataas na kolesterol, sakit sa isip at tuberculosis. Jocelyn Tabangcura-Domenden