MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ipapaubaya nila sa anumang entity ang pagsasagawa ng debate ng mga kandidatura para sa 2025 elections
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi rin nila pipilitin ang mga magiging kandidato na makibahagi sa mga isasagawang debate.
Hindi rin aniya nila pakiki-alaman kung ano ang mga itatanong sa mga debate ay hindi na pakikialaman ng Comelec.
Paliwanag ng poll chief, wala naman batas para obligahin ang mga kandidato na sumabak sa mga debate.
Pero, hinihimok naman ng Comelec ang mga kakandidato na kung kakayanin ay makibahagi sa mga isasagawang debate.
Ito’y upang malaman ng publiko partikular ang mga botante kung anong mga balak, plano at plataporma ng mga kandidato sakaling manalo sa halalan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)