MANILA, Philippines – Handa si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na harapin ang graft complain laban sa kanya ni dating Caloocan Caloocan representative Edgar Erice before the Office of the Ombudsman.
Ayon kay Garcia, inaasahan na niya ang naturang hakbang.
Binanggit ni Garcia na kahit paano, ang pagsasampa ng kaso ay naglilihis ang atensyon mula sa isinasagawang imbestigasyon ng komisyon sa nawawalang milyong pisong halaga ng pondo noong 2016 polls at ang kasong isinampa ng US Department of Justice laban kay dating poll body chief Andres Bautista at ilang opisyal ng Smartmatic.
Nitong Martes, Agosto 20, nagsampa ng graft complaint si Erice laban kay Garcia at sa mga miyembro ng Comelec Bids and Awards Committee dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corruption Practices Act.
Sinabi ni Erice na nagkamali ang mga opisyal ng poll body sa pagbibigay ng P18 bilyong kontrata sa South Korean firm na Miru Systems para sa Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTrAC) project para sa 2025 midterm polls.
Sinabi rin ni Erice na ang Comelec ay hindi dapat pumasok sa bagong kontrata, na binanggit na maaari pang gamitin ang vote-counting machines mula Smartmatic.
Ang Smartmatic, na Venezuela-based company, ay ang service provider ng Comelec mula 2010 hanggang 2022 epection. Jocelyn Tabangcura-Domenden