Home NATIONWIDE Comelec chief nais ng batas sa regulasyon sa social media pages ng...

Comelec chief nais ng batas sa regulasyon sa social media pages ng mga kandidato

MANILA, Philippines – Hinihikayat ni Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia ang isang batas na magre-regulate sa social media accounts ng mga kandidato sa botohan sa panahon ng kampanya.

Ipinunto ni Garcia na ang social media—ang mga content na inilathala ng mga kandidato o ang kanilang mga administrador at ang gastos na binabayaran ng mga kandidato sa pagpapanatili o pagpapatakbo ng mga pahina—ay ang tanging sektor na walang regulatory powers ang Comelec sa panahon ng kampanya.

“That is the reason we are really calling honorable congressmen and the senators; maybe it is high time we look[ed] into regulation as far as social media is concerned,” sabi ni Garcia.

Binigyang-diin ni Garcia na ang batas ay dapat lamang sumaklaw sa mga social media pages ng mga kandidato sa halalan at hindi ang pangkalahatang publiko dahil ito ay “manghihimasok sa kalayaan sa pagpapahayag” ng mga tao.

Iginiit ni Garcia na awtomatikong isinusumite ng mga pulitiko ang kanilang sarili sa regulasyon kapag naghain sila ng kanilang kandidatura sa halalan.

“When you file your candidacy, it’s not an absolute right; it’s a privilege only, and therefore, you are allowing yourself to be regulated once you become a candidate,” paliwanag pa ni Garcia.

Sa panawagan naman ng Comelec sa pagbabawal ng AI sa halalan ay magandang panimula sa pagpapahintulot sa poll body na iregulate ang social media sa panahon ng kampanya.

Binanggit ni Garcia ang mga kaso ng mga opisyal ng gobyerno sa buong mundo na nabiktima ng AI-generated deepfakes, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden