Home ENTERTAINMENT Greta, lola na!

Greta, lola na!

Manila, Philippines – Gretchen Barretto is now a certified granny!

But does she look it? Surprisingly, not a bit.

Nagsilang na nga ng kanyang anak ang only child nila ni Tony Boy Cojuangco na si Dominique Hearn.

Masaya ngang ipinost ni Dominique ang kanyang matagumpay na pagluwal kay Baby Penelope Louise, her child by husband Michael.

Makikita ang nakaburdang pangalan ng sanggol sa lampin nito.

Mahihinuhang may isang linggo na since Dominique welcomed Baby Penelope to the Christian world.

Ibinahagi rin ng first time mom ang kanyang pinagdaanan while navigating her pregnancy.

Post ni Dominique: “Five two-hour drips and two hundred and forty two Heparin injections, but I enjoyed every minute of it. But Michael and I are delighted to see our little wiggler from inside my womb,” aniya.

Ang nagdaang linggo raw had been a week of bliss.

Sayang at self-imposed ang social media break ni Gretchen.

Disin sana’y ipinagsigawan nito how proud she is of being a grandma.

Kung matatandaan, ang nakababatang kapatid na rin ng retired actress na si Claudine ang nagsabing dumistansya muna ito sa social media.

Ani Claudine, Gretchen can only take so much of the bashing.

Gumawa ka raw kasi ng mabuti’y masama pa rin ang impression ng mga netizens, Gretchen might as well stay away from it.

But can Gretchen help it gayong maugong ang pagtakbo niya sa Maynila bilang kinatawan ng
Kongreso?

Why Manila nga pala, is she a registered voter there? Ronnie Carrasco III