Home ENTERTAINMENT Hugot post ni Bea, OA!

Hugot post ni Bea, OA!

Manila, Philippines – At her most glamorous ang dating ni Bea Alonzo sa mga larawang ipinost niya sa Instagram.

Taken at a pictorial, pangmalakasan din ang Hollywood vibe ng aura niya.

Maikli pero makahulugan ang post ni Bea which came with her photos.

Post ng aktres: “I haven’t yet met the new me, but I think she’s alright!”

Without a doubt, patungkol ‘yon sa proseso ng kanyang pagmu-move on mula sa breakup nila ni Dominic Roque.

At bagama’t she has yet to find herself ay positibo ang pananaw ni Bea na maayos ito.

As usual, nag-imbita ng sari-saring opinyon ang post niyang ‘yon.

Pero in fairness, the positive comments far outnumber the negative ones.

Umpisahan muna natin sa ‘di kagandahang komento:

Ayon sa isang netizen, ang OA na raw ni Bea na bawat breakup na lang ay laging ine-extra ang kanyang “new me.”

But to set the record straight, dadalawa pa lang naman ang most publicized na relasyon niya: kay Gerald Anderson at Dominic na taon ang pagitan.

As for the positive reactions, post ni Heart Evangelista: “Whaaat??? Wow!”

Sey naman ni Andrea Brillantes: “Whoa!”

Sarah Lahbati likewise called out the actress’ name: “Beaaaaa!”

Pinuri naman ni Maggie Wilson ang Hollywoodish stance ni Bea: “Beautiful!”

Maging si Miss Universe 2018 Catriona Gray posted: “Gorgggg…!”

Whatever it meant, ang mahalaga’y Bea is a few steps closer to getting fully healed. Ronnie Carrasco III