Home NATIONWIDE Pilipinas nanguna sa Asya sa budget transparency

Pilipinas nanguna sa Asya sa budget transparency

MANILA, Philippines – Nanguna ang Pilipinas sa Asya pagdating sa transparency sa 2023 Open Budget Survey (OBS).

Ang OBS ay survey na isinasagawa ng international non-government organization na International Budget Partnership, na nakabase sa Estados Unidos. Sinusukat sa survey ang transparency, budget oversight at public participation.

Ayon sa OBS Survey, nakakuha ang Pilipinas ng 75 sa 100 sa transparency. Ang score na mas mataas sa 61 ay nangangahulugan na ang isang bansa ay naglalabas ng sapat na mga datos at materyales upang malaman ito ng publiko.

“The Philippines climbed seven points in the OBS for transparency, garnering an open budget index score of 75 out of 100. This is a marked improvement from the score of 68 in 2021, beating the government’s target score of 71 under the Philippine Development Plan 2023 – 2028,” saad sa pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Huwebes, Mayo 30.

Sa buong mundo, ang Pilipinas ay nasa ika-15 pwesto sa 125 bansa sa budget transparency.

Nakakuha rin ang bansa ng 83 sa 100 para sa budget oversight, o ika-anim na pwesto sa mundo pagdating sa budget oversight.

Sa kabila nito, nakakuha ang Pilipinas ng score na 33 out of 100 para sa public participation, na nangangahulugang natuklasan ng OBS na mayroong kakaunting oportunidad para sa publiko na sumali sa “meaningful participation in the different stages of the budget process.”

“This is very welcome news, especially as we are also celebrating this year’s Open Gov Week and solid proof that the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. works for and with the people to promote good governance in the country. Rest assured that the DBM will continue its best practices in ensuring a transparent, participatory, and accountable People’s Budget,” saad pa sa pahayag ni Secretary Amenah F. Pangandaman. RNT/JGC