MANILA, Philippines – Hindi umano konektado sa Commission on Elections (Comelec) ang tatlong IT specialist na naaresto ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) regional Field Unit NCR sa Marikina City.
Paglilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Meet the Press forum ng National Press Cub (NPC), wala silang nautusan na ganitong uri ng tao at kailanman ay hindi ito mangyayari sa Comelec.
Nagbabala rin si Garcia sa lahat ng mga kandidato na lumalapit at nag-aalok ng pera kapalit ng pagkapanalo sa eleksyon.
Ang tatlong lalaki na nagpakilalang mga IT experts ay nasangkot sa pangingikil sa ilang kandidato sa pagka-alkalde at bise alkalde sa lalawigan ng Cagayan.
Nahaharap sa reklamong robbery extortion gayundin ng paglabag sa Omnibus Election Cod ang mga naarestong suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden