Home NATIONWIDE 2 parak sangkot sa pagpatay sa namamalimos

2 parak sangkot sa pagpatay sa namamalimos

MANILA, Philippines – Nahaharap sa reklamong murder ang dalawang pulis sa Toledo City, Cebu kasunod ng pagkamatay ng isang namamalimos.

Inihain ng Central Visayas office ng National Bureau of Investigation (NBI-7) noong Pebrero 5, ang reklamong criminal and administrative cases laban kina Patrolman Raymond Manipis at Police Master Sergeant Sepjanrey Roda.

Sina Manipis at Roda ay inakusahan na nanuntok hanggang sa mamatay ang isang 59-anyos na namamalimos na kinilalang si Eliseo Rosento.

Si Rosento ay nasawi noong Agosto 2024 na unang iniulat ang pagkamatay bilang ‘fell on the pavement.’

Duda ang kapatid ng biktima na si Cristita Mahinay, matapos na madiskubre ang mga pasa sa katawan, at sugat sa ulo ng kapatid.

Dahil dito ay naghain ng reklamo si Mahinay kung kaya’t isinagawa ang mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ni Rosento.

Itinanggi naman nina Manipis at Roda ang akusasyon laban sa kanila.

Sa mas malalim na pag-iimbestiga, namataan ng ilang saksi ang dalawang pulis na binubugbog ng paulit-ulit si Rosento sa Toledo City Catholic Cemetery.

May nakakita ring mga saksi na ganito rin umano ang ginagawa ng dalawang pulis sa biktima malapit sa isang gasolinahan sa Barangay Poblacion nang kaparehong araw.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng NBI-7 upang malaman ang motibo sa pag-atake.

“We already coordinated with the (accused) policemen but they denied all the evidence presented against them,” ayon kay Atty. Renan Oliva, NBI-7 director.

Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang NBI-7 sa
Police Regional Office here (PRO-7) upang masiguro na maayos ang ugnayan ng dalawang ahensya sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

“We believe this is just an isolated case — isolated acts,” ani Oliva. RNT/JGC