Home NATIONWIDE Comelec dismayado sa dami ng gun ban violators

Comelec dismayado sa dami ng gun ban violators

MANILA, Philippines – Dismayado ang Commission on Elections (Comelec) sa bilang ng mga lumabag sa election gun ban.

Sa press conference, sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na mayroon nang 80 lumabag ang naitala simula noong election period at implementasyon ng gun ban nitong Linggo, Enero 12.

“It is unfortunate that many are still being stubborn despite our massive information drive as they continue to carry their firearms outside their residences even though their licenses are suspended,” ani Garcia.

“Many are really being stubborn… They continue to choose to violate the law.”

Sinabi ng Comelec – Gun Ban and Security Concerns Committee na kabuuang 1,131 indibidwal ang naisyuhan nila ng certificates of exemption sa election gun ban.

Ang aplikasyon para sa exemption ay dapat na mai-file sa Comelec.

Samantala, maaari umanong maharap sa dalawang kaso ang mga magdadala ng armas nang walang exemption.

“You may face an election offense case and violation of the firearms law.”

Sa ilalim ng batas, ang pagdadala ng armas o deadly weapons ay ipinagbabawal sa panahon ng election period kung ito ay hindi awtorisado ng Comelec. RNT/JGC