Home NATIONWIDE 22 volcanic earthquakes naitala sa KanlaonNATIONWIDETOP STORIES 22 volcanic earthquakes naitala sa KanlaonJanuary 14, 2025 10:03 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 22 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon Volcano kabilang ang pitong volcanic tremors sa nakalipas na 24 oras.Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang volcanic earthquakes at tremors ay tumagal ng mula 10 hanggang 62 minuto.Naitala rin ang dalawang ash emission events sa bulkan na tumagal ng 10 hanggang 47 minuto.Umabot ng 500 metro ang taas ng voluminous plumes na nagpapakita ng patuloy na degassing sa bahagyang ash emission.Noong Linggo, nagbuga ang Bulkang Kanlaon ng 5,460 tonnes ng sulfur dioxide flux at namamaga rin ang edifice nito.Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon. RNT/JGC