Home HOME BANNER STORY Quiboloy humihirit makapag-piyansa sa qualified human trafficking

Quiboloy humihirit makapag-piyansa sa qualified human trafficking

MANILA, Philippines – Dumalo ang self-appointed son of God na si Apollo Quiboloy sa bail motion hearing nitong Lunes, Enero 13.

Dumating si Quiboloy at co-accused nito sa qualified human trafficking case sa Pasig Regional Trial Court (RTC) branch 159.

Ayon kay Attorney Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, layon nilang maghain ng mosyon na humihiling na ipaalam si Quiboloy na huwag dumalo sa pagdinig dahil sa ubo nito.

“At around 10:00 in the evening last night, I was about to file a motion that he be excused from personally appearing today but I figured that would not look good to the public,” ani Torreon.

“So kinaya po ni pastor, maski malakas po ang ubo niya, pumunta talaga siya dito sa korte para ipakita na wala siyang kasalanan,” dagdag pa.

Ani Torreon, naghain sila ng petition for bail at sinabing ang mga ebidensya laban sa kliyente ay hindi malakas.

“Nag direct examination na ‘yung private complainant po and then, hindi pa kami nag cross kasi medyo mahaba ‘yung kanyang testimony,” sinabi pa niya.

“We are hopeful that after the cross examination and after the presentation of the entire evidence on the part of the prosecution, the judge will be able to make a ruling that the evidence of guilt is not strong,” dagdag pa.

Samantala, sinabi ng private prosecutors ng complainant na si “Amanda” (hindi tunay na pangalan), na sila ay handang ipresenta ang ebidensya para patunayan ang pagkakasala ni Quiboloy.

Umaasa rin ang mga ito na mababasura ang bail motion ni Quiboloy.

“Kasi ‘pag nagsasabi ka naman ng totoo, handang handa ka naman kasi wala kang kailangan i-twist sa mga sasabihin mo so handa po ‘yung kliyente namin,” ayon kay Atty. Joeie Domingo.

“Gusto namin talaga ma-deny ‘yung bail kasi alam naman namin na gustong lumabas ni Pastor kasi mangangampanya siya. Then consistent with our claim— he is a human trafficker, an abuser, a rapist, and gusto namin na hindi siya manalo,” dagdag naman ni Atty. Ian Enterina.

Ang pagdinig ay magpapatuloy sa Enero 16. RNT/JGC