Home NATIONWIDE Comelec dismayado sa ‘di pagbaklas ng campaign materials ng ilang kandidato

Comelec dismayado sa ‘di pagbaklas ng campaign materials ng ilang kandidato

209
0
Nagsagawa ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition ng clean-up drive sa paligid ng Flora Flagon High School sa Quezon City nitong Martes, isang araw pagkatapos ng National and Local elections. Nanawagan ang grupo sa mga kandidato na maging responsable sa paglinis sa campaign at tumalima sa clean-up directive ng Comelec. Danny Querubin

MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang pagkadismaya sa pagpalya ng ilang kandidato na alisin ang kanilang campaign materials kahit na lampas na sa deadline na limang araw matapos ang May 12 elections.

“We said that five days after the election, they (campaign materials) should be removed. Now it’s been more than five days,” pahayag ni Comelec Chairperson George Garcia sa inspeksyon ng pagtatapon ng campaign materials sa Payatas Controlled Disposal Facility sa Quezon City.

“The TF Baklas should report to us who didn’t remove their campaign materials. Even if they can’t be disqualified, we can file a criminal case against them. That’s a criminal case,” babala niya.

“Those that committed violations can still be held accountable when they file their certificates of candidacy again in the future elections,” giit pa ni Garcia.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11086, dapat baklasin ng mga kandidato ang lahat ng kanilang election propaganda sa loob ng limang araw pagkatapos ng eleksyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here